^

Punto Mo

Bagong ‘teleserye’ sa pulitika nagsisimula na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NGAYON pa lang kaabang-abang na ang gaganaping midterm elections sa susunod na taon.

Lalo pa nga at tatlong Duterte, ang dating Pangulong Digong at dalawa niyang anak na lalaki na sina Davao first district representative Paolo Duterte at Mayor Sebastian Duterte, ang nagpahayag nang kahandaan sa pagtakbo bilang mga senador.

Kung sabagay, karapatan naman ito ng bawat isang kuwalipikadong mamamayan na tumakbo sa halalan sa posisyong kanilang hinahangad.

Exciting ika nga.

Mukhang dito na naman magbubukas ang bagong teleserye sa pulitika sa bansa.

May ilang eksperto ang nagsabi na ang aksyon ng pamilya Duterte ay pagpapakita ng ‘show of force’ matapos nga silang tumiwalag sa UniTeam kasunod pa nang pagbibitiw ni VP Sara Duterte sa gabinete ni PBBM.

May nagsabi naman na baka ito ay strategy ng pamilya, lalo pa nga at tila maagang inihayag na si Mayor Baste ang patatakbuhin sa panguluhan sa national elections sa 2028 na lubhang napakalayo pa.

Habang si VP Sara ay babalik sa pagtakbo bilang mayor.

Marami pang mga kaganapan ang inaantabayanan, kaya nga masasabing talagang ‘exciting’ kada May halalan sa bansa.

Antabay tayo sa susunod na kabanata.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with