^

Punto Mo

P1,000 ­deduction kapag late, ­makatarungan ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede po ba sa batas ang bagong policy sa kompanya namin na babawasan daw ng isang libong piso ang sahod kahit 1 minuto lang late ang empleyado? — Maya

Dear Maya,

Ayon sa Labor Code, maari lamang bawasan ng employer ang sinasahod ng empleyado kung ito ay para sa (1) pagbabayad ng premium para sa insurance ng empleyado, na kinuha ng may pahintulot niya; (2) union dues; o (3) kung ito ay pinapahintulutan ng batas o ng mga regulasyong inisyu ng Secretary of Labor and Employment.

Maari namang bawasan ang sahod ng empleyado kung siya ay late base sa “no work, no pay” policy sa ilalim ng ating batas pero proportional dapat o nakaayon sa kung gaano katagal na-late ang empleyado ang halagang ibabawas mula sa kanyang sahod. Hindi dapat arbitrary o base lamang sa kapritso ng employer ang pagdetermina ng halagang babawasin mula sa suweldo ng empleyado.

Masyadong malaki ang isang libong pisong (P1,000) kaltas na gustong ipataw ng employer mo lalo na kung tutuusin na halos doble na ito ng minimum wage sa isang araw sa Metro Manila. Kung ipapataw pa ito kahit isang minuto lang na-late ang empleyado ay malinaw na hindi ito makatarungan at walang anumang basehan ang pagkaltas ng nasabing halaga.

Kaya kung ipagpapatuloy ng kompanya niyo ang policy ng pag-deduct ng isang libong piso para sa mga dumada­ting ng late gayong wala naman itong basehan ay malinaw na ­paglabag ito sa Labor Code at sa karapatan ng mga ­empleyado kaya maaring maharap ang employer niyo sa reklamo.

vuukle comment

WORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with