^

Punto Mo

Unregistered vehicles 24M pa rin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nananatili palang nasa 24 milyong mga sasakyan  ang hindi pa nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa.

Lubhang napakadelikado nito lalo na nga’t tumatakbo sa mga lansangan ang mga sasakyang ito.

Payo nga ni  LTO Vigor Mendoza ang mga may-ari na  ipare­histro na kanilang mga sasakyan kung ayaw magbayad ng penalty o ma-impound ang mga ito.

Malaki pa rin ang naturang bilang ng mga unregistered vehicles na ito sa kabila nang pina­igting na kampanya sa ilalim ng ‘No Registration, No Travel Policy ng ahensiya.

Nitong nagdaang 15 araw lamang ngayong Hunyo, higit  6,000 unregistred vehicles ang nahuli ng LTO. Sa naturang bilang, 5,127 ay mga motorsiklo, 34 ay pampasaherong jeep at 7 ay pampasaherong bus.

‘Yan pa ang nakakatakot dyan dahil nangangahas ang ilang mga pampublikong sasakyan puma­sada nang hindi rehistrado.

Mistulang walang proteksyon ang mg pasahero nito sakaling masangkot sa aksidente sa lansangan.

Dapat pa marahil na doblehin ang kampanya para mawalis sa lansangan ang mga unregistered vehicles, na hindi lang magpapaluwag sa trapiko kundi natitiyak din na nagagawa ng mga may-ari ang kanilang obligasyon sa kanilang sasakyan.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with