Online bankers namimiligro sa hackers!
NAKAKATAKOT na ang mag-impok ng pera sa banko dahil kaya na itong nakawin ng hacker/scammers na gumagamit ng kopyadong investment platforms gamit ang internet.
Marami ang naeengganyo sa lehitimong online business tulad ng crypto currencies, real estate, rental homes, bonds, dividend stocks at marami pang programa ng pagpapalago ng pera gamit ang internet.
Padadamahin muna nila ang investors ng malaking pakinabang sa unang yugto ng negosyo at kapag itinodo na nito ang lahat ng savings sa banko, bigla nang maglalaho.
Nagagawa raw kaya ang ganitong dirty gaming practices sa POGO?
Kung nagagamit ng mga sindikato ang POGO, dapat na ngang ipasarado ito ng gobyerno bago pa mabansagang lupain ng mga mandarambong ang Pilipinas.
Tiyak hindi papayag ang mga pulitikong mandarambong at POGO protectors, di ba?
- Latest