PAANO kaya nakakalusot ang libu-libong natuklasang unregistered SIM cards na gamit umano ng ilang POGO sa kanilang panggagantso?
Ito ay sa kabila nang umiiral na batas sa SIM card registration.
Yan ang nadiskubre ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Puntirya ngayon ng CICC na masiyasat at masampahan ng kaukulang kaso ang ilang tiwaling telecommunication companies na bigong i-account ang libu-libong unregistered SIM cards na gamit sa text at online scam.
Naaalarma ang CICC sa natuklasan na ang mga nadiskubreng unregistered SIM cards ay nagagamit sa pagtanggap sa online bank transaction messages.
Sa maraming raid ng pulisya sa mga POGO hub patuloy ng pagkakasamsam sa libu-libong unregistered SIM cards o kung di man kung kani-kanino nakapangalan na pinaniniwalaang mga peke.
Kapag ganyan ang laging mangyayari, mawawalang saysay ang SIM registration law na dapat sana ay magpoprotekta sa publiko.
Disyembre 2022 nang tuluyang ipatupad ng naturang batas sa layuning malabanan ang text at online scam.
Dapat na marahil itong masolusyunan para na rin sa kapakanan ng publiko.