^

Punto Mo

Ang mabigat na bag sa likod ng lalaki

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Makikita sa kalsada ang lalaking hirap na hirap sa ­paglalakad dahil sa bag na nasa kanyang likod.

Isang anghel ang biglang nagpakita at tinanong ang lalaki:

“Ano ang laman ng iyong bag at mukhang nabibigatan ka?”

“Mga alalahanin ko sa buhay.”

“Puwedeng makita?’’

“Oo.’’

Binuksan ng anghel ang bag sa likod ng lalaki. Nagulat ang anghel dahil wala itong laman.

Hinarap ng anghel ang lalaki. “Ano ba ang ipinag-aalala mo sa iyong buhay?” tanong nito.

“Ang mga mali kong desisyon nang nakaraang taon kaya nag-aalala ako kung ano ang mangyayari sa akin sa mga darating na araw,” paliwanag ng lalaki.

“Bakit mo pinuproblema ang mga bagay na ‘yun? Wala ka nang magagawa sa nakaraan dahil nakalipas na. Ang kinabukasan mo ay hindi pa nangyayari, kaya walang dahilan para problemahin mo ito.”

Muling lumapit ang anghel sa bag na nasa likod ng lalaki. Tinanggal niya ito at itinapon.

“O, ano ang pakiramdam mo ngayon?”

Nagliwanag ang mukha ng lalaki sabay sabing, “Magaan…maginhawa.”

Nagpatuloy na sa paglalakad ang lalaki. Nakangiti na siya habang naglalakad.

Don’t cry over the past, it’s gone. Don’t stress about the future, it hasn’t arrived. Live in the present and make it beautiful.—Unknown

BAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with