^

Punto Mo

Lalaki na nakapagpatubo ng 63 leaf clover, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang lalaki sa Japan ang nakapagtala ng bagong world record matapos itong makapagpatubo ng halamang clover na may 63 na dahon!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang 45-anyos na si Yoshiharu Watanabe ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Leaves on a Clover” matapos makapagpatubo ng isang clover plant na may 63 leaves.

Ayon sa Guinness, ang titulong ito ang isa sa pinakabihirang matalo dahil hindi madaling makapagpatubo ng clover na lalampas sa tatlo ang dahon. Ang huling nakapagtala nito ay isang lalaki rin na taga-Japan na si Shigeo Obara noong 2009 kung saan nakapagpatubo ito ng 56 leaf clover.

Ang clover ay isang uri ng halaman at may scientific name na Trifolium repens L., na nangangahulugang “tatlong dahon”. Kabilang ito sa pamilya ng Fabaceae o mga legumbre. Ang pangkaraniwang clover ay may tatlong dahon at kapag lumampas ito sa tatlo ay kadalasang ginagamit bilang simbolo ng suwerte at proteksiyon.

Sa panayam kay Watanabe, nagsimula siyang mag-cross pollinate ng mga clover sa kanyang bakuran ng kanyang bahay noong 2012. Taong 2020 nang maging successful siya sa pagpapatubo ng clover na 49 leaves. Gamit ito, isinailalim niya ito sa hand-pollinating at matapos ang apat na taon na pag-eeksperimento, nakapagpatubo siya ng 63 leaf clover.

Naniniwala siya na nakapagbigay ito ng suwerte at kasiyahan sa kanya at umaasa siya na ganito rin ang magiging epekto nito sa mga taong makakakita nito kahit sa litrato lang.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with