Hindi ko alam kung saan kukuha ng pera para sa nakatakdang operasyon ng aking anak na nahulog sa hagdan. Ayon sa aking misis, kailangan ang malaking halaga para sa operasyon.
Sabi ko kay misis, gagawa ako ng paraan pero sa totoo lang, wala akong alam kung saan magdedelihensiya ng pera. Hindi ko alam ang gagawin.
Tulirong-tuliro ang isip ko. Wala naman akong mahihiraman sa aking mga kasama dahil nangangailangan din sila. Wala silang maitutulong sa akin tungkol sa pera.
Maski lumapit ako sa mga nagpapa-five-six, hindi rin sasapat. At walang magpapahiram ng ganun kalaki—P200,000. Nang panahong yun, malaki ang nasabing halaga.
Minsan, naisip ko, malas yata ang salamin na napulot ko dahil may dumating na trahedya. Sana hindi ko na lang pinulot.
Sa katarantahan ko at kalituhan, naisipan kong ibalik ang salamin sa lugar na aking kinatagpuan dito.
Kinabukasan, Biyernes, eksaktong isang linggo mula nang mapulot ko ang salamin, dinala ko ito sa lugar. Balak ko, iiwan dun.
(Itutuloy)