NAG-AMOY election na ang simoy ng hangin sa Caloocal City. Ito ay matapos mag-fire ng first salvo si ex-Caloocan City Mayor Rey Malonzo laban kay 1st District Rep. Oca Malapitan. Inakusahan ni Malonzo si Malapitan na gumastos ng milyones sa kanyang bonggang birthday party sa isang hotel sa Parañaque City noong June 14.
Ayon kay Malonzo, ang lavish 70th birthday ni Malapitan ay insulto sa mga mahihirap na residente ng siyudad. Dipugaaa! Maagang ginigiba si Malapitan ah? Teka nga pala! May balak pa kayang tumakbo sa darating na elections si Malonzo? Ang mga kosa ko sa Caloocan lang ang nakaaalam kung ano ang puno’t dulo nitong akusasyon ni Malonzo. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sinabi ni Malonzo na umabot sa P3 milyon ang ginastos ni Malapitan sa kanyang magarang birthday celebration, kasama na rito ang hotel at ang pagkain. Hindi pa kasama rito ang gastusin o bayad para sa emcee at entertainers tulad nina Zsa Zsa Padilla, Rey Valera, Paolo Santos at iba pa.
“Spending too much in a birthday party is not an issue if you’re a private individual, but Oca is a congressman, while his son Along is the mayor of Caloocan wherein many of their constituents are poor,” ani Malonzo. “Are they such insensitive enough for the plight of the poor residents, apart from it’s also a violation of the ethical standards for public officials,” dagdag pa ni Malonzo. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Base sa initial research ni Malonzo, ang Malapitan’s ay wala namang significant business venture to support a lavish lifestyle. Umaasa lang sila sa kanilang role bilang public servants, aniya. “This disparity between their public income and private expenditures has fueled further speculations and concerns among their constituents,” ang giit pa ni Malonzo. Dipugaaa!
Kung sabagay, ang birthday party ng matandang Malapitan ay dinaluhan ng humigit-kumulang na 1,000 guests, kasama na rito ang mga barangay at city officials, priests, celebrities, negosyante at top government officials. Nakita sa event sina House Speaker Martin Romualdez, Senators Imee Marcos, Francis Tolentino at JV Ejercito. Bongga! Hehehe! Ambot sa kanding na may bangs!
Inungkat pa ni Malonzo na ang matandang Malapitan ay inakusahan ng misuse ng kanyang P8 milyon n Priority Development Assistance Fund (PDAF). Aniya, sinampahan ito ng kasong graft ang corruption sa Ombudsman noong 2015. Kasama sa kinasuhan ang anim na opisyales ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nag-aprub ng paggamit ng PDAF para sa programa ng Kalookan Assistance Council Inc.
Hindi lang ‘yan, pagkaraan ng isang taon, kinasuhan uli ng graft ang matandang Malapitan patungkol sa overpriced birthday gift packages para sa mga senior citizens, na nagkakahalagang P49 milyon. Noong 2021, may isa pang graft complaint na isinampa laban sa matandang Malapitan, kasama ang Dep-Ed executives bunga sa pagbili ng P320 milyon na substandard smart tables para sa mga estudyante, na hindi dumaan sa public bidding, ani Malonzo. Sal-it!
Ano na kaya ang nangyari sa mga kasong binanggit ni Malonzo. Pakisagot Rep. Malapitan Sir? At higit sa lahat, hindi sinabi ni Malonzo kung anong position ang tatakbuhan niya sa 2025 midterm elections. Ang gulo! Abangan!