REGULAR ang paglalakad ko tuwing Biyernes na bahagi ng aking pag-eeherisyo habang nasa Riyadh, Saudi Arabia.
Marami akong kasama dati sa paglalakad subalit ako na lamang ang natira dahil marami silang dahilan. Pero sa totoo lang, tinatamad sila sa paglalakad. Mas gusto pa ang matulog. Ako, pinagpatuloy ko ang nakagawiang paglalakad.
Hanggang isang araw ng Biyernes na naglalakad ako sa Naseem area, mga ilang kilometro ang layo sa aming tinitirhang villa, isang pares ng salamin sa mata ang aking nakita.
Hindi ako makapagpasya kung dadamputin ang salamin sapagkat baka may makakita sa akin at pagbintangan na ninakaw ko. Sa Saudi, maraming pangyayaring ganun. Pinagbintangang nagnakaw at nakulong.
Naghintay ako ng mga 20 minuto bago dinampot ang salamin na sa tingin ko ay mamahalin.
Hindi pa rin ako umalis agad at baka may maghanap.
Pero nang walang dumating, ipinasya kong umalis na.
Nang makarating sa villa, ininspeksiyon ko ang salamin. Talagang pangmayaman sa tingin ko. Mamahalin.
Itinago ko sa aking cabinet.
(Itutuloy)