Gigil ng Maisug kay Bongbong ‘wa epek’

BINATIKOS ni Davao City Mayor Baste Duterte si Pres. Bongbong Marcos sa Maisug rally sa Pampanga sa saliw ng pagmumura na ikinatuwa naman ng mga dumalo.

Mark of the Duterte raw kaya talaga?

Puro kabulukan ng gobyerno ni PBBM ang laman ng talumpati ni Baste. Sa paniwala nang marami, minana lang ito ni PBBM sa mala-haring pamamalakad ni Digong noon.

Wala kayang alam si Baste?

Hindi maikakaila na karamihan sa dumalo sa rally ay kaanib ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy. Sa tuwing mababanggit kasi ang pangalan ni Quiboloy, nagsisigawan ng “hustisya” ang mga ito.

Para kaninong hustisya kaya?

Halos mapugto naman ang hininga ni Harry Roque at nangi­nginig habang binabatikos ang gobyerno at pagkatao ni PBBM. Where are you Ate Imee?

Dahil daw kaya sa pagkakasangkot ng guwapong Special Assistant nitong si Alberto Rodulfo de Laserna na nakikitulog lang daw naman sa POGO hub?

Huwag n’yo namang lagyan ng malisya, he-he-he!

Malumanay na ang talumpati ni Digong na ikinabigla ng madla. Sabi ng matatanda, ganyan daw ang senyales na nalalapit na ang aplaya kapag mahina na ang dagundong ng alon sa dagat.

Peace!

Show comments