‘Pasahe’

(Part 1)

Senior citizen na ako ngayon at kareretiro lang sa aming kompanya. Nangyari ang karanasan kong ito noong ako ay 45-anyos at nagtatrabaho bilang janitor sa isang unibersidad.

Araw-araw ay sumasakay ako ng dyipni mula Sto. Domingo QC patungong Morayta sa Maynila. Pagbaba ko sa Morayta ay lalakarin ko na lamang patungo sa unibersidad kong pinaglilingkuran. Maaga akong pumapasok kaya nagagawa kong mabuti ang paglilinis sa pinagtatrabahuhang unibersidad. Mula first floor ay nililinis ko hanggang third floor. Nilalampasong mabuti. Pinakamahirap kapag umuulan sapagkat walang tigil ang paglampaso.

Hapon, dakong alas kuwatro ay pauwi na ako. Sa kanto ng Morayta at España ako sumasakay ng jeepney patungong Santo Domingo.

Sasakay na sana ako sa jeepney nang mapansin ko ang isang lalaking estudyante na nakatingin sa akin. Para bang mayroon siyang kailangan sa akin.

Hindi muna ako sumakay sa jeeney at nakiramdam.

Hanggang sa lumapit sa akin ang estudyante.

“Manong puwede ba akong makahingi ng tulong?’’ sabi ng estudyante.

“Anong tulong?’’

“Puwede po akong makahingi ng pamasahe?”

(Itutuloy)

Show comments