^

Punto Mo

Maid of Honor (150)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINUPAD ni Yana ang pangako kay Inah na magtatanung-tanong tungkol sa nangyari kay Kuya Rocky. Si Kuya Honor ang tinanong niya. Kaharap si Bianca nang magtanong siya.

“Kuya Honor, may bago ka bang balita kay Kuya Rocky?’’

“Wala na akong balita sa kanya. Bakit mo naitanong, Yana?’’

“Naipangako ko po kasi kay Inah na magtatanong sa iyo.’’

“Ah, sabihin mo, wala pa akong latest na balita kay Rocky. Kapag nagkaroon ako ng time, baka puntahan ko ang bahay niya. Pero alam mo, gusto ko nang paniwalaan ang balita noon kay Rocky na patay na ito.’’

“Paano po lumabas ang balitang yun?’’

“Sa mga taga-Calumpang ko rin nakuha ang balita. Umano ay nahilig sa alak si Rocky. Mula nang mamatay ang asawa e ang pag-inom ang inatupag. Ayon sa nakausap ko, isang gabi raw ay lasing na lasing ito at nahulog sa ilog. Hindi na raw lumutang. Iyon ang sabi sa akin. Pero baka rin hindi totoo. Marami rin kasing peke na balita ngayon—kahit hindi pala si Rocky ang nahulog sa ilog ay siya ang sinasabi hanggang kumalat na ang balita.’’

“Salamat Kuya Honor. Ikukuwento ko kay Inah ang mga sinabi mo.’’

“Sige pero banggitin mo rin na dadalawin ko ang bahay ni Rocky.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with