Scrappy bolts

Pulot. Dukot. Kalikot.

Maraming bagay na ganito ang binunot ng Meralco noong Miyerkules upang kunin ang 93-86 win kontra titleholder San Miguel Beer sa unang agwada ng PBA Philippine Cup Finals.

Dahil sa sipag at tiyaga, pinanalunan ng mga Bolts ang labanan sa 50-50 balls.

Kaparehong bagay ang kanilang puhunan upang bahagyang makaangat sa rebounding, 51-50, kontra sa mas malalaking Beermen.

Significant ang lamang sa offensive rebounds, 20-14, na malaking ambag sa kanilang 88 field-goal attempts kontra sa 72 nina June Mar Fajardo at SMB teammates.

Nagawang i-convert ng Meralco ang 39 tries kontra sa 30 ng San Miguel.

At dito nagkatalo – nahawi ang daan upang makalusot ang Bolts tungo sa 1-0 lead sa race-to-four series.

Nakadalawa na si coach Luigi Trillo kontra coach Jorge Gallent sa kabuuan ng torneo.

Pero dahil sa lakas ng lineup ng Beermen, angat pa rin sila bilang odds-on picks sa serye.

Magbabago ito kung maka-dalawang sunod ang mga Bolts sa Game Two ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

‘Yun nga lamang, dobleng scrappiness siguro ang kailangan ng mga Bolts upang matalisod muli ang mga Beermen.

Show comments