Maid of Honor (144)

TUWANG-TUWA si Inah habang pinagmamasdan ang kanyang itay at inay na nama­masyal sa aplaya. Tuwing sisikat ang araw, nagla­lakad na ang kanyang itay at inay at kapag lulubog, naglalakad uli ang mga ito.

Sabi ng kanyang Itay, “Salamat at tinupad mo ang aming pangarap Inah. Akala ko, mananatiling pangarap na lang. Magkakatotoo pala.’’
“Mahal ko kayo ni Inay, Itay. Marami pa akong ipagkakaloob sa inyo.’’
“Ito lang e sapat na, Inah.’’

“Marami pa, Itay. Pauunlarin natin ang resort na ito.’’

“Salamat Inah. Sana makauwi ang kapatid mong si Yana para makita ang resort mo.’’

“Sana nga Itay.’’

MINSAN, naisipan ni Inah na maligo sa beach. First time niyang magbibilad sa araw. Isinuot niya ang itinatagong two piece bathing suit. (Itutuloy)

 

Show comments