^

Punto Mo

Kumunoy ng pamilya Duterte, dahil sa maling diskarte

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BINUBUO pa lamang ang UniTeam ay pinasabog na ni Digong ang “Bongbong is a weak president” at tinapos sa “Bangag ang presidente natin” kaya naghanap din ng panimbang ang kampo ni PBBM laban sa mga maling hakbang na ginawa ni Digong.

Inuungkat ngayon ang mga pondong nilustay ng Department of Health at Department of Budget maging ang P51 billion pork barrels ni Cong. Polong Duterte at P125 million confidential fund ni VP Sara.

Hinahalukay din ang pagkatao ng dating Philippine Economic Adviser ni Digong na si Michael Yang na isinasangkot sa drug syndicate at naging padrino ng mga supplier ng bilyones na halaga ng medical supplies na nawaldas noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Pasok na rin ang ICC para imbestigahan ang Duterte administration dahil ikinanta na siya bilang mastermind ng mga dati niyang mga hitman na sina Edgar Matobato at Arturo Lascañas sa Davao Death Squad.

Nagkamali ng diskarte ang advisers ng mga Maisug-Duterte camp dahil wala pang malakihang negatibong isyu na puwedeng ikalugso ng liderato ni PBBM sa ngayon.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with