^

Punto Mo

Psychology and personality

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Kapag mabilis kumain, siya ay ambisyoso at mainipin. Ngunit kung mabagal kumain, siya ay matiyaga at hardworking.

Kung paano ka nagre-react sa pang-iinsulto. People pleaser ka kung magsasawalang kibo ka na lamang. Kung sobrang defensive at halos ay mambugbog na sa galit, siya ay guilty at may bahid ng katotohanan ang sinasabi ng nang-insulto. Ang taong may tiwala sa sarili ay sasagutin lang ng sarcastic joke ang nang-insulto sa kanya.

Ang taong nahihirapang ilabas ang kanyang saloobin ay may itinatagong unhealed traumatic history.

Nagta-trying hard maging perfectionist ang mga taong may paulit-ulit na ginagawang behavior kagaya ng tapping feet, tapping fingers on table, kinakagat ang kuko.

Ang taong madalas mag-post ng selfies ay nakakadama ng kalungkutan at mababa ang kanyang tiwala sa sarili. Sa positive side, ang mahilig mag-post ng selfies ay pinahahalagahan niya ang kanyang friendship at romantic relationship.

Ang mahilig magsuot ng matingkad na kulay, mahilig magpasikat ng kanyang mamahaling damit, bag at accessories ay attention seeker, may pangarap siyang hindi matupad-tupad at narcissist.

Impulsive naman at walang ingat sa sarili ang mahilig uminom ng soda o matatamis na inumin dahil hindi niya iniisip ang magiging consequences sa kanyang kalusugan ang pag-inom ng mga nabanggit.

Ang taong hindi tumatanggap ng papuri, halimbawa, kapag sinabihan ng “Ang talino mo”, sa halip na magpasalamat, ito ay sasagutin ng “Hindi, nakatsamba lang!”. Akala ay nagpapakumbaba lang pero ang ibig sabihin noon ay hindi siya kumportable sa kanyang pagkatao at mababa ang tiwala sa sarili.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with