^

Punto Mo

Guo at Morales, kambal na sinungaling

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINUTAKTI ng katatawanan at inis ang buong bansa dahil sa paulit-ulit na isinasagot ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa mga senador na “lumaki po ako sa farm” at “wala akong matandaan sa aking nakaraan”.

Nadiskubreng mga puganteng kriminal na Intsik ang nakabili ng lupain nina Mayor Guo sa Bamban, Tarlac na pinagtayuan ng building ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at kasosyo si Mayor Alice Guo. Hmmm!

Wala raw alam si Mayor Guo sa pagkatao ng mga kasosyo niya gayung siya ang principal signatory sa mga dokumento nito para maitayo ang nasabing POGO. Nakakagago talaga. Ha-ha-ha!

Si Jonathan Morales naman ay resource person sa isyu ng PDEA leak na hinihinalang ginagamit ng grupo ng destabilizer para gibain ang gobyerno ni President Bongbong Marcos.

Dahil sa paulit-ulit na pagsagot na “nag-comply po ako!” sa tanong ni Sen. Jinggoy Estrada kung bakit sa pagpasok nito sa PDEA ay hindi nito inilahad na dismissed PNP personnel siya at marami pa itong kinakaharap na kaso sa husgado.

Lalong nag-init si Jinggoy sa sagot ni Morales na “Nag-comply po ako at hindi pa po ako convicted na tulad n’yo”. Nangatal sa galit si Jinggoy hanggang sa buweltahan nito si Morales at pinakulong sa Senado. Ha-ha-ha!

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with