‘Hunyango’ (Part 1)
NANGYARI ang karanasan kong ito noong 1982, bagong graduate ako sa kolehiyo. Tatlo kaming magkakaibigang babae na sabay-sabay nag-graduate. Ako, si Abby at Lyn. Ako ay nag-graduate ng Food Technology, si Abby ay Masscom samantalang si Lin ay BS Zoology. Pinakamayaman sa aming tatlo si Lin. Malawak ang kanilang lupain sa Liliw, Laguna. May taniman sila ng lanzones, kape at malawak ang niyugan. Mayroon din silang resort.
Isang linggo makalipas ang aming graduation, nagyaya si Lin sa kanilang probinsiya. Marami raw prutas na aanihin dun at tiyak magsasawa kami. Maliligo rin kami sa resort. Masarap maligo sapagkat galing sa bundok ang tubig.
Palibhasa’y noon lang ako makakarating sa probinsiya (wala kasi kaming province) kaya “oo” kaagad ako.
Pati si Abby ay tuwang-tuwa rin at “oo” agad siya. Gusto raw niyang maligo sa report.
Pagdating namin sa Liliw, kumain lang kami ng masaganang lunch at pinasyal na kami sa taniman ng lansonses, bayabas at siniguelas.
Tuwang-tuwa ako sa siniguelas dahil pati katawan ay may bunga. Napakasarap ng hinog na siniguelas.
Napadako ako sa puno ng bayabas. Maraming bunga! Pipitas sana ako nang makakita ako ng hunyango.
Nagsisigaw ako! (Sundan bukas)
- Latest