^

Punto Mo

‘Singer’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 2)

Sabi sa akin ni Lola Juana, ang antigong makinang panahi ay pinamana pa sa kanya ng kanyang mga magulang. Mananahi rin daw ang kanyang magulang at nagsikap makabili ng makinang panahi para gamitin sa paghahanapbuhay.

Tanging sa kanya raw ipinamana ang makina gayung lima silang magkakapatid. Sabi ni Lola, masinop daw kasi siya sa gamit kaya sa kanya ipinamana ang makina. Isa pa, si Lola lamang ang naging mananahi o modista. Ang kanyang mga kapatid ay ibang propesyon ang pinasok.

Kaya kapag nagkukuwentuhan kami ni Lola pagkatapos niyang manahi o kaya’y kapag kumakain kami ng hapunan, sinabi niya na sa akin daw ipamamana ang makina.

“Bakit sa akin, Lola e hindi naman ako magi­ging tailor?’’

“Kahit na, Basta sa’yo yan at huwag mong pababayaan. Lagi mong lilinisin at baka kalawangin.’’

“Opo Lola.’’

“Mahalagang gamit yan kaya huwag basta-basta itatambak sa kung saan-saan.

Hanggang sa duma­ting ang isang pangyayari na malaki ang naging papel ng makinang panahi.

Noon ay 1968. Nagbabasa ako ng libro sa salas. Malapit ako sa makinang panahi. Si Lola ay nasa kuwarto at umiidlip.

Nang biglang lumindol. Malakas.

(Itutuloy)

JUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with