NACIONALISTA PARTY ang kauna-unahang political party sa Pilipinas na itinatag noong 1907 na naging Partido ni Pres. Manuel Quezon noong 1944-1946.
Itinatag naman ang Liberal Party noong 1946 nina Manuel Roxas at Elpidio Quirino at kapwa sila naging presidente.
Nabago ang lahat nang ideklara ni Ferdinand Marcos Sr. ang martial law at nanghina ang lahat na partido political na kalaban ng Marcos administration.
Itinatag ni Marcos Sr. noong 1978 ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) na binuo ng mga datihang LP at NP members.
Itinatag naman ni Sen. Benigno Aquino Jr. ang partidong Lakas ng Bayan (LABAN) na binansagang makakaliwa at sinundan ni Sen. Nene Pimentel sa pagtatatag ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP).
Naengganyo ang mga maimpluwesyang pamilya at mga organisasyon sa iba’t ibang panig ng bansa para magtatag ng sari-sariling political party na ang intensiyon ay magpayaman lang.
Lalong nagulo at nagpalala ng korapsyon ang multi-party system dahil sa pinagkakaperahang political coalition na umuuwi sa kutsabahan sa paglulustay ng pera ng bayan.
Mabuti pang ibalik na muli ang labanan sa pulitika sa pagitan ng dalawang partido politikal para madaling malaman ang mga pulitikong bulok sa hindi nabubulok.