Make the ending glorious!

KAPAG may inaalala kayong isang dating kasamahan sa trabaho, ano ang una ninyong naaalala sa kanya? Di ba’t madalas ay ‘yung dahilan ng kanyang resignation? Mas tumatatak sa memorya ang mga nangyari sa mga huling araw niya sa kompanya. “Si Malou pumunta kasi sa U.S. kaya nag-resign”; “Si Kuwan? Di ba kaya siya pinag-resign ng management ay dahil nabuntis siya ng taga-Engineering Department na may asawa?”

Kung tutuusin, pare-pareho lang ang choreography ng mga contestants sa dance contest ng mga noontime shows. Pero may napansin akong kakaiba sa mga itinatanghal na champion —very impressive  lagi ang kanilang last few steps. Pasabog ang mga huli nilang galaw. Huling galaw ang tumatak sa isip ng mga judges kaya sila ang nananalo.

Ending ng pelikula ang nagbibigay ng impresyon sa pangkaraniwang manonood kung maganda ba ang pelikula o hindi. Hindi ba’t kapag bitin ang ending ay ito ang sinisisi ng manonood, “Maganda na sana ang kuwento kaya lang bitin ang ending, kaya pumangit!”

Kung ganoon hindi lang pala first impression ang importante. Last impression din! Di nga ba’t hindi mahalaga sa Diyos ang mga nauna mong kasalanan. Ang mahalaga sa Kanya ay pinagsisihan mo ang mga kasalanang ito sa bandang huli.

Sabi nga ng aking Theology professor: “You can make a mistake in the beginning, you can make a mistake in the middle; but please… make your ending glorious!”

Show comments