^

Punto Mo

‘Niyog’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA halip na magtabas ako ng mga bagin na nakapulupot sa mga bagong tanim na niyog, sinabakan ko ng tulog sa ilalim ng punong mangga. Nagising ako ng alas dose ng tanghali. Umuwi lamang ako para kumain ng tanghalian.

Tinanong ako ni Tatay kung marami akong natabasan na puno ng niyog. Tumango lamang ako.

Pero nadiskubre ni Tatay ang pagsisininungaling ko nang bisitahin ang niyugan. At gaya ng dati, hindi niya ako pinagalitan at sa halip ay pinangaralan na mahalin at alagaan ang mga tanim na niyog na nagbibigay ng kabuhayan. Muli niyang inulit na ang niyog ay “puno ng buhay”.

Fast forward, taong 1982. Ako lamang ang tao sa aming bahay dahil nasa Maynila sina Tatay at aking mga kapatid na lalaki. Nagsisipag-aral sila sa Maynila. Tumigil na ako sa pag-aaral noon dahil pakiramdam ko wala akong nalalaman.

Bumuhos ang malakas na ulan. Magdamag ang ulan. Pagba­ngon ko, mistulang dagat. Umapaw na ang ilog. Patuloy pa ang pag-ulan. Posibleng tangayin ng baha ang aming bahay.

Isang oras ang makalipas at nangyari ang aking kinatatakutan. Nahati ang aming bahay dahil sa lakas ng agos. Humagis ako sa labas at wala akong makapitan. Hanggang tangayin na ako ng agos. Mabilis. Pakiramdam ko, mamamatay na ako. Sisinghap-singhap na ako. Lulubog-lilitaw ako. Nakainom na ako ng tubig. Nanghihina na ako.

Hanggang walang-anu-ano, natanaw ko ang lulutang-lutang na isang buwig ng niyog na patungo sa kinaroroonan ko.

Eksaktong lulubog na ako at malulunod, bumangga sa katawan ko ang buwig ng niyog. Humawak ako sa buwig at nagpalutang-lutang. Hanggang ipadpad ako sa ligtas na lugar.

Napaiyak ako pagkatapos. Ang kinaiinisan kong niyog ang nagligtas sa akin sa tiyak na kamatayan. Tama si Tatay, ang niyog ay “puno ng buhay”.

Mula noon, ako na ang nag-asikaso ng aming niyugan. At sumunod na taon, nagpatuloy na ako sa pag-aaral. Kung hindi sa karanasang iyon, hindi ko matututuhang mahalin ang niyog.

vuukle comment

COCONUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with