^

Punto Mo

OJT, maari bang ­bilangin bilang ­parte ng probationary ­period?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-OJT po ako sa isang kompanya at ngayon po ay in-absorb na rin nila ako bilang empleyado. Puwede bang bilangin ang tatlong buwan ko na OJT para sa probationary period ko? — Allen

Dear Allen,

Dapat ay ituring na parte ng probationary period ang tatlong buwan mo bilang OJT kung ang performance mo ng panahong iyon ay inobserbahan ng kompanya, alinsunod sa ruling ng Supreme Court sa Oyster Plaza Hotel, et al. vs. Melivo (G.R. No. 217455, Oct. 5, 2016).

Sa nasabing kaso, sumailalim sa tatlong buwang training period ang empleyado. Nang siya ay biglaang tinanggal, nagreklamo ang empleyado ng illegal dismissal dahil kung bibilangin ang training period niya ay higit sa anim na buwan na siyang pumapasok sa trabaho kaya dapat ay ituring na siyang isang regular employee na hindi maaring tanggalin ng basta-basta.

Sa huli, pinanigan ng Supreme Court ang argumento ng ­empleyado. Ayon sa Korte Suprema, kailangang isama sa probationary period ang tatlong buwang training ng empleyado dahil inoobserbahan naman ng employer ang kanyang naging ­performance noong mga panahong iyon.

Kaya kung inoobserbahan ang job performance mo noong ikaw ay OJT pa lamang ay dapat lang na ipagpalagay na ang panahong iyon bilang bahagi ng iyong probationary period.

vuukle comment

JOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with