Base sa resulta ng pag-aaral ni Kelly Reynolds, PhD, associate professor sa Zuckerman College of Public Health sa University of Arizona, kamay ang numero unong tagapasa ng germs sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Saan dapat off limits ang kamay?
• Loob ng taynga. May napakanipis na balat sa ear canal na mabilis mapunit. Kumunsulta sa otolaryngologist kung sobra na ang pangangati o kaya ay sumasakit.
• Mukha. Hahawakan lang ito kung naghihilamos o nag-aaplay ng moisturizer. Ang ating daliri ay may oil na maaaring bumara sa pores ng skin. Kapag nangyari ito, acne ang resulta.
• Puwit. Punasan muna ng toilet paper o hugasan muna gamit ang bidet saka kuskusin ng sabon at banlawan. Nagtataglay ito ng bacteria na delikado sa kalusugan. Hugasang mabuti ang kamay pagkatapos hugasan ang puwit.
• Mata. Maliban lang kung nagkakabit ka ng contact lens o hinihilamusan mo ito para matanggal ang puwing. Ang simpleng patakaran: Huwag hipuin, huwag kusutin.
• Bibig. Resulta ng isang pag-aaral na nalathala sa Journal of Applied Microbiology: Karamihan sa germs na pumapasok sa katawan ay galing sa kamay at inihawak sa bibig.
• Loob ng ilong. Sa mahilig mangulangot, 51 percent ang tsansa na maipasok n’yo sa ilong ang Staphylococcus aureus bacteria.
• Balat sa ilalim ng kukong mahaba. Huwag itong kalikutin ng daliri. Sa halip, lumang sepilyo ang ipanlinis gamit ang sabon at tubig. Kapag napasukan ng bacteria, onycholysis, ang resulta kung saan umaangat ang kuko sa nail bed.