Tips para sa maayos na buhay
Ang paglalakad nang nakatalikod sa loob ng 30 minuto araw-araw ay isa sa mga paraan ng pagpapapayat ng mga sinaunang Chinese. Idagdag pa rito ang pagkain ng maaanghang na pagkain sa tanghalian at hapunan. Kaunti lang ang nakakain kapag maanghang ang kinakain. Ngunit normal lang ang kakainin sa almusal dahil ito ang pinakaimportanteng meal sa maghapon. Mababawasan ng more or less 10 pounds ang iyong timbang sa loob ng 3 buwan.
• Honey ang pantanggal sa nunal. Kung naaasar na kayo sa nunal na sa palagay ninyo ay perwisyo sa inyong hitsura, pahiran ito ng pure organic honey 2 beses araw-araw. Takpan ng band aid. More or less isang linggo ang hihintayin bago ito matanggal sa inyong balat.
• Ang dehydration dulot ng pagtatae ay malulunasan sa simpleng pag-inom ng buco juice. Ayon sa isang pag-aaral, ang buco juice ay may sapat na potassium at glucose kaya ito ay mainam na ipainom sa mga nagtatae. Mas mayaman ito sa potassium kumpara sa saging. Pinipigilan ng potassium ang muscle cramps.
• Ngunit natuklasan ng mga researchers na kulang sa sodium, chloride, at bicarbonate ang buco juice. Kailangan ito upang bumilis ang proseso ng rehydration sa katawan. Ang solusyon, dagdagan ng isang kurot ng asin ang bawat isang basong juice na iinumin. Kung malala ang pagtatae, uminom ng isang baso juice kada 3 oras. Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2007, ang buco juice na dinagdagan ng asin is as good as drinking commercial sports drink.
- Latest