^

Punto Mo

‘Asin’  

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Ika-5 bahagi)

PAGKATAPOS ng klase, dinala ng guro si Larry sa opisina ng principal at doon kinausap. Maraming beses nang nadala sa principal’s office si Larry dahil sa pambu-bully nito hindi lamang sa akin kundi sa iba ko pang mga kaklase. Pero kahit maraming beses nang napapagalitan at nasesermunan, hindi pa rin nagbabago si Larry. Nambu-bully pa rin.

Nang lumabas kami ng school ay nagkasabay kami ni Daniela. Malapit lang sa school ang bahay nina Daniela.

“Tiyak na gagantihan ka ni Larry dahil sa nangyari, Manuel,’’ sabi ni Daniela habang naglalakad kami.

“Hayaan mo siya, Daniela. Siyanga pala, salamat sa pagtatanggol mo sa akin ha.’’

“Okey lang yun, Manuel. Nakakaasar na kasi ang Larry na yun. Kailangang labanan na siya.”

“Baka gantihan ka rin nun dahil sinampal  mo kanina.’’

“Hindi ako natatakot sa kanya, Manuel.’’

Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Nang may itanong si Daniela sa akin.

“Bakit nga pala may asin ka sa bag? Para saan ang asin?’’
“Ha? A e binili ko sa tindahan. Wala na kasi kaming asin sa bahay. Sabi ni Lola, bumili ako.’’

“Ah,’’ nasabi lamang nito at napatingin si Daniela sa akin na parang hindi naniniwala sa aking sinabi.

Nagpaalam na si Daniela sa akin nang malapit na kami sa kanilang bahay.

“Bye Manuel.’’

“Bye Daniela.’’

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Tiyak na pag-uwi ko, tatanungin ako ni Lola kung sinunod ko ang mga utos niya ukol sa baon kong asin.

(Itutuloy)

ASIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with