Isang one year old na baby sa Ghana ang nakapagtala ng world record dahil sa kaya na nitong magpinta sa murang edad!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Ace Liam ang pinakabagong world record holder ng titulong “Youngest Artist (Male)” dahil sa kakayahan nitong gumawa ng painting sa edad na one year old and 152 days old.
Ayon sa ina ni Ace na si Chantelle Eghan, six months old pa lamang ang kanyang anak nang makitaan niya ito ng hilig sa art. Ikinuwento rin nito na upang kilalanin ng Guinness ang pagiging artist ng kanyang anak, kinailangang itong lumahok sa isang art exhibit at dapat ay makabenta ito ng painting.
Naganap ang unang exhibit ni Ace sa Museum of Science and Technology sa Accra noong Enero 18-20. Sa naturang exhibit, ilan sa mga bisita nito ang humanga at bumili ng painting ni Ace.