Pangulong Marcos sa PMA newly grads: ‘Magsakripisyo sa bansa’

Magkatabi sina President Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte nang dumalo sa ginanap na Commencement Exercises ng Philippine Military Aca­demy (PMA) “Bagong Sinag Class of 2024” sa Fort Del Pilar, Baguio City kahapon. Si Cadet 1st class Jeneth Elumba, tubong Surigao City ang ika-7 babae na naging PMA valedictorian sa kasaysayan ng PMA. Dumalo rin si Defense Sec. Gilbert Teodoro sa naturang graduation rites ng mga kadete.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — “Magsakripisyo sa bansa sa gitna ng mga kinakaharap na banda sa teritoryo at sa mga nagnanais na mahati ang pagkakaisa ng mga Filipino.”

Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong graduates na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) sa kanyang speech sa graduation rites ng PMA “Bagong Sinag” Class 2024 sa Fort General Gregorio del Pilar sa Baguio City.

“We will vigorously defend what is ours, but our conduct always guided by law and (by) our responsibility as a rules-abiding member of the community of nations,” ayon kay Marcos sa kanyang speech.

Sinabi pa ng commander-in-chief na nahaharap tayo ngayon sa tahasang pagwawalang bahala sa principles at deployment ng weapons of mass destruction ng mga partido na nagnanais na sirain ang mga nagkakaisa.

Subalit hindi anya “fool” ang mga tao dahil nakikita nila ang pakana na ito, kaya ang mga ganitong pagtatangka ay hindi dapat malihis para manatiling ligtas sa kanilang mga tahanan ang mga tao  at maging ligtas ang ating teritoryo laban sa mga banta sa ating demokrasya.

Bilin pa ni Pangulong Marcos sa mga kadete na ang pagsusundalo ngayon ay hindi lang nalilimitahan sa pagtatanggol sa teritoryo kundi para ma-improve ang buhay ng mga tao.

“Akmang-akma ang pangalan ng inyong “Bagong Sinag” sa isinusulong nating adhikain ngayon na Bagong Pilipinas,” anang Pangulo.

 “When we say Bagong Pilipinas, we do not only mean only a great nation yet to come. We also refer to a great nation that we are actively building one day at a time,” dagdag ng Pangulo.

May kabuuang 278 na kadete na kinabibilangan ng 224 lalaki at 54 babae ang nagtapos sa PMA ngayong taon. Sa top 10 na kadete, pito rito ay mga babae kabilang ang top 1 o vadectorian na si Cadet 1st class Jeneth Elumba na anak ng isang magsasaka mula sa Surigao City.

Show comments