^

Punto Mo

Climate change at eleksyon

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

NAKAAAWA ang Pilipinas, sala sa init, sala sa lamig. Ngayon, pinipinsala tayo ng El Niño. Dahil sa sobrang init, natuyo ang maraming taniman, lalo na ang mga palayan, na nagresulta sa lalong pagtaas ng halaga ng pagkain. Maraming Pilipino ang inaalmusal, tinatanghalian, at  hinahapunan ay buntunghininga. Pagkatapos ng buwang ito, nagbabala ang PAGASA na simula Hunyo ay haharapin natin ang mas mapa­nganib na La Niña. Kung gaano kadalang ang ulan sa panahon ng El Niño, asahan ang napaka­lakas na pagbuhos ng ulan sa panahon ng La Niña. Magreresulta ito sa malawakang pagbaha na sisira sa mga pananim, bahayan at imprastraktura, at syempre, pagkasawi ng buhay. Ang El Niño at La Niña ay resulta ng climate change.  Nangyayari ang El Niño kapag uminit kaysa karaniwan ang temperatura ng tubig sa Pacific Ocean at ang La Niña kapag lumamig naman kaysa karaniwan.

Balak ng DepEd na ibalik uli sa panahon ng tag-ulan ang klase. Ngayong may klase sa panahon ng tag-init, madalas ay sinususpendi ang klase dahil sa sobrang init.  Siguradong kapag ibinalik sa Hunyo ang simula ng klase, madalas ding sususpindihin ang klase dahil sa bagyo at baha.  Ang ganitong sitwasyon ay nakadaragdag sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon dito sa atin. Kulelat na tayo sa Asia. Saan kaya tayo susuling?

Sa tuwing panahon ng tag-init, kinukulang tayo sa supply ng tubig. Laging may banta ng pagrarasyon ng tubig sa Metro Manila kapag umaabot na sa kritikal ang level ng tubig sa mga dam.  Kapag tag-ulan naman, nagbabawas ng tubig sa mga dam bago pa umapaw ang tubig sa mga ito.  Saan nga ba tayo susuling? Ayon sa 2017 World Risk Report, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang lubhang maaapektuhan ng climate change na kapapalooban ng pagtaas ng tubig sa karagatan, sobrang init ng panahon at pananalasa ng mapaminsalang mga bagyo.

Kailangan natin ang lubos na paghahanda. Sana ang paghahanda natin sa pagharap sa epekto ng climate change ay kasingtindi ng paghahanda natin kapag may eleksyon. Sa isang taon ay may gaganapin sa ating mid-term election at sa Oktubre 1-8 ay paghahain na ng kandidatura para sa eleksyon sa Mayo 2025.  Ibig sabihin, Oktubre pa lang ay election fever na. Ang climate change ay resulta ng pag-abuso ng tao sa kalikasan.  Nakalulungkot ito, sapagkat ang tao pa naman ang ginawa ng Diyos na tagapangalaga ng kalikasan.  Ang tagapangalaga ay naging tagawasak. Sana, ang isa sa hanapin natin sa mga kandidato ay ang kanilang plano para sa kalikasan. Bihira nating hanapin ito sa isang kandidato.

Kung ang mga mananalo sa darating na eleksyon ay ang mga maporma lang, kahit walang plataporma, o ang malaki lang ang ginastos, kahit maliit ang kaalaman at kakayahan, talagang malulubog na tayo sa putik ng kapahamakan at baka hindi na tayo makaahon. Hindi ang klima ang dapat mabago. Ang dapat mabago ay ang kawalan natin ng malasakit sa kalikasan at sa ating bansa sa mismo. Hindi pwedeng puro sarili lamang at pamilya ang ating iniintindi.  Nakasakay tayo sa iisang barko na ang tawag ay Pilipinas.  Kapag lumubog ang barkong sinasakyan natin, mapapahamak tayong lahat.  Hindi pwedeng wala tayong pakialam. Kailangang makialam tayo sa mga bagay na mabuti.        

vuukle comment

CLIMATE CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with