^

Punto Mo

EDITORYAL - Higpitan, mga ­Chinese na ­papasok sa bansa

Pang-masa
EDITORYAL - Higpitan, mga ­Chinese na ­papasok sa bansa

NANGUNGUNA ang Chinese nationals sa pinakamaraming dayuhan sa bansa. Ayon sa Bureau of Immigration (BI) mula Enero 1 hanggang Marso 1, may kabuuang 49,556 Chinese nationals ang nakarehistro at karamihan sa mga ito ay estudyante umano.

Noong Lunes, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maghihigpit na sila sa pagbibigay ng tourist visa sa Chinese nationals. Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Gary Domingo, ang paghihigpit ay dahil sa mga report na may mga passport at visas na illegal na naisyu kaya maraming Chinese nationals ang labas-masok sa bansa. Marami rin ang overstay na Chinese.

Ayon pa kay Domingo, marami pang dahilan kaya ipinag-utos ang ganitong paghihigpit. Masyado aniyang confidential. Ito raw ay ipatutupad para na rin sa kapakanan ng ibang Chinese na nagiging biktima ng Philippine Offshore and Gaming Operations (POGOs). Marami raw Chinese ang kinikidnap ng kapwa Chinese at pinatutubos ng ransom. Meron ding biktima ng human smuggling at iba pang krimen. Maraming dahilan kung bakit magsasagawa ngayon ng ibayong paghihigpit ang DFA, ayon kay Domingo.

Nakapagtataka ang pagdagsa ng mga ­estudyanteng Chinese sa Cagayan at pawang naka-enrol sa mga unibersidad at kolehiyo roon. Nakapagtataka na ­naglalagi ang mga estudyante sa lugar na ­kinaroroonan ng EDCA sites. Ipinagtanggol naman ng mga local officials sa Cagayan ang mg estudyante at sinabing lehitimo ang mga ito. Pinahintulutan umano ng CHEd ang mga Chinese students. Hindi lamang sa Cagayan dagsa ang mga Chinese students kundi pati na rin sa Palawan at Visayas.

Dumami ang Chinese nationals sa bansa mula nang mag-operate ang POGOs noong 2017 sa panahon ng Duterte administration. Malayang nakapasok sa bansa ang mga Chinese dahil sa kagagawan ng mga corrupt na Immigration officials. Nadiskubre na nagbibigay ng P10,000 bawat isa ang mga Chinese sa mga corrupt BI officials. Tinawag ang suhol na “pastillas scam”.

Hanggang sa ngayon, marami pa ring corrupt sa BI na pinapayagang makapasok sa bansa ang mga Chinese kapalit nang malaking halaga ng pera. At ang resulta nang ginagawang ito, pagdami ng mga Chinese na banta ngayon sa seguridad ng bansa. Patuloy ang pag-angkin ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas at wala namang ginagawa ang gobyerno para lubos na maprotektahan. Tinitiis ang pagbomba ng tubig. Hindi raw dapat gumanti. Pero hanggang kailan ito titiisin?

Ngayong maghihigpit sa pag-iisyu ng visa sa Chinese nationals, maaaring mabawasan ang pagdagsa nila. Pero dapat bantayan ang BI at baka maulit ang “pastillas scam” at dumami muli ang Chinese sa bansa.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with