1. Tahimik lang siya.
3. Inaamin niya kapag wala siyang alam o kulang ang kaalaman sa topic na pinag-uusapan nila dahil alam niya ang kanyang limit.
4. Hindi niya ugaling magmagaling sa harapan ng ibang tao.
4. Kakikitaan siya ng ugaling mapagkumbaba.
5. Kaunti lang ang kaibigan niya hindi dahil suplado siya kundi nahihirapan siyang kumunekta sa ibang tao. Mabilis kasi siyang makaamoy ng tunay na intensiyon ng isang tao at tunay na ugali.
6. Ang kanyang mga katanungan ay laging nangangailangan ng malalim na pag-aanalisa para makarating sa tamang kasagutan.
7. Palibhasa ay magaling magmasid, palagi siyang nakakakita ng “flaws” at loopholes ng isang sistema. Ito kung minsan ang nagiging dahilan kaya napagkakamalan sa workplace na palaban sa management.
8. Mahilig magbasa ng libro.
8. Pinakaayaw niya ay ang makipagtalo.
10.Maunawain siya at maawain. Ayon sa psychological assessments, may correlation ang high emotional intelligence sa high IQ. “ The higher a person scores in traits of empathy, the higher the person will score in traits of effective verbal comprehension.”