^

Punto Mo

Paano kapag paso na ang special power of attorney?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Paano po ba mawawalan ng bisa ang special power of attorney (SPA)? Ano po ang mangyayari kung paso na pala ang SPA ng ka-transaksyon ko? — Rex

Dear Rex,

Nakasaad sa Article 1919 ng Civil Code ang anim na paraan kung papaano mawala ang tinatawag na agency o legal na kapangyarihan para kumatawan sa ibang indibidwal:

(1) sa pamamagitan ng pagbawi ng principal na siyang nagbigay ng kapangyarihan;

(2) sa pamamagitan ng pag-urong ng ahente mula sa pagi­ging agent sa kanyang principal;

(3) kapag ang principal o agent ay namatay, nagkakaroon ng civil interdiction o balakid sa mga karapatang sibil (kadalasan ay bunsod ito ng pagkakakulong), nawala sa tamang pag-iisip, o nalugi;

(4) sa pamamagitan ng pagkakabuwag ng firm o ­korporasyon na siyang nagbigay o tumanggap ng nasabing agency;

(5) kapag natupad na ang layunin ng ginawang agency at

(6) kapag natapos na ang panahong ibinigay para sa agency.

Kung paso na ang SPA ng ka-transaksyon mo ay hindi na siya maituturing na isang “agent” at wala na siyang kapangyarihang itali ang taong kanyang kinakatawan sa anumang kasunduan. Madali ng itanggi ng kanyang niire-represent ang mga transaksyon niyo kaya hindi advisable na pumasok sa mga kasunduan sa isang taong may pasong SPA.

SPECIAL POWER OF ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with