^

Punto Mo

Batang sumuso sa ina, mas ‘matibay’ sa stress!

‘DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Hindi kaila na nagiging malakas ang immune system ng sanggol kapag siya’y sumususo sa kanyang ina. Bukod dito, mas nagiging mabilis ang pagpayat ng isang ina kapag nagpadede siya sa kanyang sanggol.

Ngunit natuklasan kamakailan lamang ng British researchers na ang batang lumaki sa gatas ng ina ay mas matatag tumanggap ng mga problema kumpara sa mga batang kasingtanda nila ngunit lumaki sa infant milk na de lata o sa mas simpleng salita—gatas mula sa hayop.

Mga batang nasa edad na 5 hanggang 10 at mga produkto ng broken family ang kinuha nilang respondents. Pinaghiwalay nila ang mga batang lumaki sa gatas ng ina at mga batang hindi nakaranas sumuso sa kanilang ina at lumaki sa gatas ng hayop.

Mas maramdamin ang mga batang lumaki sa gatas ng hayop dahil karamihan sa kanila ay apektado sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Samantalang ang mga batang lumaki sa gatas ng ina ay “take it easy” lang ang pagtanggap sa paghihiwalay ng kanilang magulang.

Ayon sa teorya ng mga researchers, ang physical contact ng ina sa kanyang sanggol pagkapanganak nito ang nagbibigay ng “magic” o sabihin nating “protective feeling”.  Fortunately, ang “protective feeling” na iyon ay tumitimo sa isip ng sanggol hanggang sa kanyang paglaki kaya nagiging matibay siya sa stress.

Ngunit sa mga inang hindi puwedeng magpasuso dahil walang gatas na lumalabas o sa anupaman pangmedikal na dahilan, puwede rin silang mag-bonding sa pamamagitan ng regular na yakap at haplos sa kanilang sanggol. Makakapukaw din daw ito sa damdamin ng sanggol at makakapagbigay ng “protective feeling”.

Happy Mother’s Day!

HAPPY MOTHER’S DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with