NAKAPAGTALA ng world record ang 18 panadero sa France matapos silang makagawa ng pinakamahabang Baguette bread sa buong mundo!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record ang 18 members ng French Confederation of Bakers and Pastry Chefs ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Baguette”. Ito ay matapos silang makapag-bake ng baguette na may habang 460 feet.
Naganap ang record breaking attempt sa Suresnes Baguette Show sa Suresnes, Paris. Sa sobrang haba ng ginawa nilang tinapay, maikukumpara ang haba nito sa isang 35 storey building.
Dumalo sa event ang isang Guinness World Records adjudicator. Dahil dito, nakumpirma agad na nasungkit na nila ang world record title. Matapos igawad ang Guinness certificate, pinaghati-hatian ng mga dumalo sa event ang tinapay at pinalamanan nila ito ng chocolate hazelnut spread.