Ang pagkahilig ko sa hikaw ay nadala ko hanggang sa ako ay mag-asawa. At para namang pinagtiyap ng pagkakataon na ang asawa kong engineer ay nakapagtrabaho sa isang malaking oil company sa Saudi Arabia. Malaki ang kanyang suweldo.
Sabi ng asawa ko, magaganda ang hikaw sa Saudi. Maganda ang kilatis ng ginto. Sabi ng asawa ko, ibibili niya ako ng mga hikaw. Lahat daw nang gusto kong hikaw ay bibilhin niya. Tuwang-tuwa ako. Madadagdagan ang koleksiyon ko ng mga hikaw. Sa totoo lang, marami na akong naipon na hikaw at gusto ko pang madagdagan ang mga iyon. Maganda ring investment dahil hindi bumababa ang value ng ginto.
Hanggang sa isang araw, sinabi ng mister ko na ipadadala niya ang mga hikaw sa isang kasamahan niya na magbabakasyon.
Inabangan ko ang pagdating ng kasamahan niya. Hanggang mapasakamay ko ang padalang hikaw na nasa isang box. Excited kong binuksan.
(Itutuloy bukas)