NANGYARI ang aking hindi malilimutang karanasan noong 1980 na ako ay isa pang taxi driver. Beinte singko anyos ako noon. Baguhan pa lamang akong driver noon kaya hindi pa kabisado ang mga pasaherong pumapara para sumakay. Basta dampot ako nang dampot ng pasahero para kumita. Mahalaga sa akin ang kumita dahil may pinag-aaral akong mga kapatid.
Iba’t ibang klase ng pasahero ang naisasakay ko. May madaldal at walang tigil ng kakukwento habang nagbibiyahe. Mayroong lasing na habang tumatakbo ang aking taxi ay panay ang suka. May pasaherong nakakatulog at mahirap gisingin. Mayroong tumatakas dahil walang pamasahe.
Pero ang hindi ko malilimutan ay nang tutukan ako ng baril ng aking pasahero. (Itutuloy bukas)