^

Punto Mo

PUV modernization, umusad pa kaya?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

WALANG katapusan na itong mga bantang tigil-pasada ng transport group na tutol sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Nito lamang nakalipas na Abril 30  (Martes) nagtapos na ang deadline para sa consolidation na nangangahulugan ayon sa mga ahensya ng pamahalaan ang mga hindi nag-consolidate ay ituturing ng kolorum dahil babawiin na ang kanilang mga prangkisa.

Hanggang matapos ang deadline, sinasabing may ilan pa rin ang hindi nakatugon sa kabila nang paulit-ulit na pagpapalawig dito ng pamahalaan.

Ngayon iyon pa rin ang banta, transport strike para isantabi ng gobyerno ang naturang programa. 

Kung tutuusin nakakasawa na dahil nga paulit -ulit na lang, sa panig naman ng pamahalaan matigas ang kanilang paninindigan na wala nang magaganap na extension sa konsolidasyon  pagkatapos ng Abril 30 deadline at magsisimula na silang manghuli ng itinuturing nang kolorum na pumapasada sa mga lansangan.

Pero mukhang nabago na naman ang ihip ng hangin nang  pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hindi pa muna uli sila manghuhuli ng mga hindi sumama sa consolidation.

Sa media briefing noong nakalipas na Martes, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz  na padadalhan muna nila ng notice o show cause order ang mga operator ng jeep na hindi nagconsolidate upang magpaliwanag kung bakit hindi maaaring tanggalin ang kanilang franchise.

Tatagal ito sa loob uli ng 15 araw, saka lamang hihingin ng LTFRB ang tulong ng LTO at PNP para magsimula ng paghuli sa mga hindi consolidated PUVs.

Nilinaw din nito na ang consolidation ay first phase pa lamang ng PUV Modernization.

Ipinaliwanag pa nito na kung ang mga  consolidated vehicle  ay roadworthy pa ay papayagan sila na hindi muna mag-modernized ng sasakyan pero pagdating ng ika-tatlong taon ng PUV modernization on 2027,  ipapa- adopt na sa mga  operator na e-modernized ang kanilang sasakyan, kailangan ng palitan ang mga 15 -years old na sasakyan pataas .

Ayon pa Kay Guadiz, hindi  naman kukulangin ang biyahe sa mga ruta kung marami ang hindi nag-consolidate laluna sa Metro Manila dahil marami naman ibang modal services sa mga lugar tulad ng bus,vans at motorcycle service.

Base sa datos nasa 150,179 units ang nag- consolidate na nationwide para sa PUV modernization o nasa 82 percent sa buong bansa. Halos 60 porsiyento rito ay buhat sa Metro Manila.

Pakatapos kaya ng sinasabing 15-araw na hindi panghuhuli sa mga hindi nag-consolidate, ang tanong ng marami eh ano na ang mangyayari?

Tuluyan na kayang umusad ang PUV modernization o muli naman ihirit ang extension ng consolidation?

O di ba, pabalik-balik na lang.

Kaya wait and see na naman ang marami.

PUV MODERNIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with