^

Punto Mo

‘Alimango’ (Huling bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

PILYO ako noong bata pa. Marami akong ginawang kalokohan sa aking mga kaklase. Kahit na pinangaralan na ako ng aking mga magulang at pati ng teacher at principal, hindi pa rin ako tumitigil at lalo pang naging pilyo. Hindi tumatalab sa akin ang pangaral.

Isa sa hindi ko malimutan ay ang pangyayaring nagpabago sa akin at nawala ang ­aking pagi­ging ­pilyo. Siguro kung hindi nangyari yun ay baka patuloy ako sa pagiging pilyo.

Umaga noon. Maaga akong pumasok. Akala ko, ako ang kauna-unahan sa classroom. Hindi pala may nauna pa pala sa akin.

Nakita ko kasi ang bag niya na nakapatong sa silya. Natuwa ako dahil nakabukas ang bag. Isang kalokohan ang naisip ko. Dali-dali akong kumuha ng mga bato sa labas ng classroom. Apat na bato na kasing laki ng kamao ko ang aking kinuha, Isa-isa kong nilagay sa bag. Nang ini­lagay ko na ang hu­ling bato, ­biglang may sumakmal sa hinlalaki ko. Ang sakit!

Nang iangat ko, sumama ang sumakmal sa hinlalaki ko—isang alimango na may mala­king sipit.

Iyak ako nang iyak. Hindi ko malaman ang gagawin. Hanggang sa dumating ang janitor at inalis ang sipit. Hindi na nalaman kung sino ang may-ari ng bag na may alimango.

CRAB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with