‘Hipo’ (Unang bahagi)

ANG karanasan kong ito ay nangyari noong ako ay first year college, dekada 70. Dahil kabataan, lahat nang challenge ay aking sinusubukan. Gusto kong patunayan na lahat nang pagsubok ay kakayanin ko at walang kinatatakutan. Mas gusto ko ay mahirap na pagsubok.

Hanggang mayroon akong kakaibang naranasan sa aking katawan. Naging pawisin ang aking dalawang kamay. Ganunman hindi ko ipinagtapat sa aking mga magulang ang nararanasan kong pagpapawis ng aking mga kamay.

Gusto ko ay masolb ang problema nang ako ang mismong gagawa o mag-iisip ng solusyon. Hindi ko ipaaalam sa kanila at susubukan ko muna ang naisip kong solusyon.

Marami akong ginawang paraan. May nagsabi na maganda ang nilagang dahon ng bayabas sa pagpapawis ng mga kamay. Ibabad nang kalahating oras sa mali­gamgam na sabaw ng bayabas.

GinawA ko yun sa loob ng isang buwan.

Pero walang epekto ang sabaw ng nilagang bayabas.

Sunod kong sinubukan ang nilagang luya. Ibinabad ko ang aking mga kamay.

Pero wala rin.

Hanggang sa may nakapagsabi sa akin subukan ko ang paghipo sa bangkay. Isang malaking challenge. Epektibo raw ito.

Hanggang maghanap ako ng bangkay para subukan ang pagsubok.

(Itutuloy)

Show comments