^

Punto Mo

Gumawa naman kayo ng paraan sa walang tigil na pagtaas ng gas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGTAAS na naman ng presyo ang gasolina noong Martes—ikaanim na sunud-sunod na linggo nang pagtataas. At ang masamang balita, may namumuro na naman daw pagtataas sa susunod na linggo. Hindi pa nakababawi sa pagtataas ay mayroon na namang kasunod. Ano bang nangyayari at hindi na makontrol ang oil price hike? O kung hindi mapigil, gumawa naman sana ng paraan ang pamahalaan para hindi masaktan ang mamamayan sa tuwing magkakaroon ng increase. Sa nangyayari ngayon, tila ba sunud-sunuran na lang sa dikta ng mga kompanya ng langis.

Sabi ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, hindi naman daw nakaapekto ang nangyayaring tension sa pagitan ng Iran at Israel. Mas tinitingnan daw na dahilan sa pagtaas ng gasolina ay ang pagputol ng production ng mga bansang miyembro ng Organization of Petroleum, Exporting Countries (OPEC).

Nagtaas ng P0.55 ang bawat litro ng gasoline noong Martes. Nagkaroon naman ng rollback sa diesel na P0.95 bawat litro at P1.10 naman sa kerosene. Noong nakaraang linggo, nag-increase ang gasolina ng P0.40 samantalang P0.95 sa diesel at P0.85 sa kerosene.

Ang walang tigil na pagtaas ng gasoline, diesel at kerosene ay iisa lamang ang hahantungan: pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na kinabibilangan ng bigas, sardinas, gatas, asukal, noodles at iba pang pangangailangan. Mas mabigat kapag humingi ng dagdag sa pasahe ang mga pampasaherong sasakyan. Sa kasalukuyan, P13 ang minimum na pasahe sa dyipni. Noong nakaraang linggo, sinabi ng transport groups na hihirit sila na maging P15 ang minimum na pasahe.

Kung tutuusin, maari namang suspendihin ng pamahalaan ang pinapataw na excise tax sa petrolyo. Nakapagtataka lang na ayaw nilang gawin. Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, maaring suspendihin ng pamahalaan ang buwis sa petroleum products kapag umabot sa $80 ang bawat bariles ng crude oil. Sa kasalukuyan, $87.16 ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Sobra-sobra na ito para masuspende ang TRAIN. Mapag-isipan sana ng pamahalaan ang paraang ito para mapagaan ang pasanin ng mahihirap na mamamayan.

GAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with