NAGISNAN ko na ang punong balete sa harap ng aming bahay sa probinsiya. Kuwento ni Itay, basta na lamang daw tumubo ang balete roon. Hindi na raw nila inalis dahil nagbibigay ng lilim sa bahay lalo na kung panahon ng tag-init. Masinsin kasi ang sanga at dahon ng balete kaya magandang shade. Tuwing hapon ay sa ilalim ng balete nakaupo sina tatay at nanay. Naglagay si tatay ng mga upuan sa ilalim ng punong balete.
Tuwing umaga ay winawalisan at pinauusukan ni nanay ang punong balete. Ang mga nalaglag na tuyong dahon ay kanyang sinisigaan. Araw-araw ay ganun ang ginagawa ni Nanay. Mahal na mahal nila ni Tatay ang balete.
Pero ako ay hindi. Kapag nakikita ko ang balete, naiinis ako. Gusto kong putulin ang balete.
(Itutuloy)