‘Sampaguita’ (Unang bahagi)
NAG-IISA akong anak na babae at bunso. Sabi ni Mama, hindi nila akalain ni Papa na mabubuo ako dahil mahigit na siyang 40-anyos. Kaya nang mabuo ako, itinuring nilang suwerte raw. Mahal na mahal ako nina Mama at Papa at dalawa kong kapatid na lalaki.
Nang mamatay si Papa noong ako ay nasa huling taon ng nursing, naging malulungkutin si Mama. Nawala ang pagiging bungisngis. Mahal kasi nila ang isa’t isa.
Hanggang mahilig si Mama sa pagtatanim ng sampaguita. Ang palibot ng aming bahay ay tinaniman niya ng sampaguita.
Nang mamulaklak, pati sa loob ng aming bahay ay nasasamyo ang bango ng sampaguita. (Itutuloy)
- Latest