Galaw ng paa
May isang pag-aaral na ginawa sa University of Manchester na may kinalaman daw ang galaw ng paa sa nararamdaman ng isang babae. Halimbawa, kung kursunada ng babae ang lalaking kausap, hindi niya namamalayan na magkalayo na ang kanyang legs at napapabukaka na siya. Pero kung hindi niya type ang lalaking kausap niya, kadalasan ay naka-cross legs siya o kaya ang puwet niya ay nakasiksik sa corner ng silya.
Posisyon ng pusod
Ang taong mataas ang posisyon ng pusod ay kadalasang mabilis tumakbo. Samantala, kung mas mababa ang posisyon ng pusod, kadalasan ito ay magaling lumangoy.
Ang sukat ng ‘kuwan’ ng lalaki
“Kuwan” ang aking ginamit dahil walang tawag o pangalan para sa distansiya ng ilalim ng scrotum hanggang anus. Anyway, ito ang sinusukat para malaman kung may kakayahan ang isang lalaki na makabuntis. Ang standard length daw from scrotum to anus ay dapat umabot ng 2.04 inches ngunit kung mas maikli pa rito, ang ibig sabihin ay”lower sperm counts, poorer quality sperm, lower sperm concentrations and lower motility.” Sa maikling salita, mahihirapang makabuntis.
Mas “attentive” na kausap ang mahirap kaysa mayaman
Kumuha ng ilang partners ang mga psychologists sa University of California. Sa bawat pareha, isang mayaman at isang mahirap ang kanilang pinag-usap upang magkakilala. Binidyuhan ang kanilang pag-uusap.
Naobserbahan ng researchers na ang mayaman ay “naglalaro” sa hawak niyang pen o malikot ang katawan habang nakikipag-usap. Ang mahirap naman ay makikitang patangu-tango, ngumingiti at nagre-react sa bawat sinasabi ng kanyang kausap.
Ang theory ng researchers, ang taong may higher socio economic status ay may feeling na kaya nilang mag-isa at hindi umaasa sa ibang tao dahil mayroon silang kayamanan at mataas na edukasyon. Ang mahihirap naman ay naniniwala na “no man is an island” at kailangan ang pakikipagkapwa upang matamo ang tagumpay.
Kung sakaling alam mong poor ang iyong kausap pero hindi siya “attentive” sa mga sinasabi mo, malaki ang tsansa na asar ito sa iyo.