^

Punto Mo

Ang sinaunang paghula sa gender ng baby

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Babae o lalaki?

Noong araw na hindi pa uso ang ultrasound or sonography, may mga palatandaang tinitingnan ang matatanda upang hulaan kung babae o lalaki ang ipinagbubuntis ni Nanay. Narito ang kakaiba ngunit nakakaaliw na sinaunang paraan ng panghuhula ng gender ng baby:

• Mababa o mataas ang posisyon? Kung mataas na parang umaabot sa sikmura ang kabuntisan, babae ang magiging anak. Kung mababa na halos nasa puson na, lalaki ang isisilang niya.

• Kung palapad (horizontal) ang paglaki ng tiyan, babae. Kung ang  paglobo naman ay patungo sa unahan (forward or naka-usli), lalaki.

• Umihi sa malinis na arinola. Maglagay ng isang kutsarang baking soda. Kapag bumula at sumagitsit, lalaki. Kung walang reaction ang ihi at baking soda, babae.

• Kung sweets ang unang pagkain na napaglihian, babae. Kung maalat at maasim, lalaki.

• Kung bilog ang korte ng unang pagkaing napaglihian, lalaki. Kung walang korte, babae.

• Ayon sa paniwala ng mga Mayans (Indians sa Mexico, Guatemala, Belize) : Kung ang sum total ng edad ni Nanay at sum total ng year na nabuntis siya ay parehong even or odd, babae ang magiging anak. Halimbawa: sum total ng edad ni Nanay ay 8 dahil 26 years old siya. Tapos ang year ng mabuntis siya ay 1982 (1+9+8+2=20 or 2). Parehong even kaya babae ang isisilang niya.

• Lalaki naman kung isa ay odd, at isa ay even. Halimbawa: Nabuntis ako noong 1987 (7 odd) sa edad na 26 (8 even): lalaki ang panganay ko. Sa bunso, nabuntis ako noong 1989 (9) sa edad na 29 (2): lalaki ulit ang bunso ko.

GENDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with