ISANG 80-anyos na matandang dalaga sa Italy ang mas piniling pamanahan ang kanyang caretaker ng 5 million euros imbis na ang kanyang 10 pamangkin.
Naging balita sa Trento, Italy ang pagkamatay ni Maria Malfatti dahil sa last will and testament nito. Si Malfatti ay mula sa maimpluwensyang pamilya sa Rovereto kung saan nagmamay-ari ang kanyang angkan ng mga lupain, apartments, historic building at milyun-milyong pera sa mga bank accounts.
Hindi nagkaroon ng asawa at anak si Malfatti kaya ang umaasa na makakatanggap ng kanyang mga naiwang pera at properties ay ang kanyang 10 pamangkin na mga lalaki. Ngunit nagulantang ang lahat nang ang pamanahan nito ay ang kanyang caretaker na nagmula sa Albania.
Matapos marinig ang last will and testament, agad ipina-frozen ng mga pamangkin ni Malfatti ang lahat ng assets nito sa paghihinalang naging malilimutin na ang matanda at minanipula ng caretaker ang will.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ang Albanian caretaker at inaabangan ng mga Italian netizens kung kanino mapupunta ang mana.