Supply ng tubig, unahin ni BBM

KUKULANGIN sa supply ng tubig ang Metro Manila kapag nagpatuloy ang pagbaba ng level ng Angat, Ipo at La Mesa Dam dahil sa sobrang init na nararanasan.

Bago pa mahuli ang lahat, bigyang pansin ng gobyerno ang mga makabagong teknolohiya. Ang tubig sa mga kanal at estero ay kinukolekta at iniimbak upang magamit na muli sa pamamagitan ng water reuse technology.

Maari rin itong maging proyekto ng local government units sa mga barangay. Mag-imbak ng tubig na pampaligo, panglaba, carwash, fire hydrant at pandilig ng halaman mula sa rain and waste water collections.

Puwedeng gawing imbakan ng tubig ang ilalim ng kalsada, baskeball court, plaza o saanmang lugar sa barangay.

Lalo pang iinit sa mga susunod na taon kaya bago pa magkaroon ng krisis, pag-ukulan na ito ng pansin ng gobyerno.

Calling all mayors and congressmen, magandang project ito na hindi malilimutan ng mga tao.

Show comments