Preso, nakatakas sa kulungan matapos magpanggap na babae!

ISANG notoryus na kriminal sa Venezuela ang mabilis na nakatakas sa kulungan matapos mag-disguise na babae!

Nakulong ang 25 anyos na si Manuel Lorenzo Avila Alvarado sa kasong murder at pagnanakaw sa El Libertador Prison sa Cuyito, Carabobo state. Ayon sa report ng local newspaper na El Carabobeño, naganap ang pagtakas ni Alva­rado ng alas dos ng hapon noong Marso 13. Patapos na noon ang visiting hours at kailangan nang palabasin ang mga bumisita sa mga preso.

Suot ang damit pambabae at blond na wig, nagpanggap na babae si Alvarado. Nakita sa CCTV na nakihalubilo si Alvarado sa ibang prison visitors. Apat na prison guards ang nagbabantay nang tumakas si Alvarado. Under investigation ang mga ito.

Sa pag-iimbestiga ng awtoridad, napag-alaman na ang wig at pambabaing damit ay bigay ng girlfriend ni Alva­rado matapos ang conjugal visit nito.

Sa kasalukuyan, pinaghahanap pa si Alvarado at ang girlfriend nito.

Ang bilanggong si Manuel Lorenzo Avila Alvarado na nagpanggap na babae para makatakas.

Show comments