‘Burol’ (1)
NANGYARI ang karanasan kong ito noong nagbabakasyon ako sa probinsiya ng aking kaibigan. Summer noon. Masarap sa probinsiya ng aking kaibigan dahil sariwang-sariwa ang hangin. Masarap ang mga pagkain at maraming pasyalan. Mababait din ang mga tao. Sa isang baryo nakatira ang mga magulang ng aking kaibigan.
Ang bahay nila ay gawa sa kawayan—haligi, sahig at dingding. Ang bubong ay kugon. May hagdan na pitong baytang. May dalawang kuwarto ang bahay. Masarap matulog sa sahig na kawayan na sinapinan ng banig.
Kasama nila sa bahay ang matandang lolo na ayon sa aking kaibigan ay 90-anyos na.
Isang gabi, na mahimbing kaming natutulog, biglang nagsisigaw ang nanay ng aking kaibigan.
“Si Tatay! Si Tatay! Hindi na humihinga!’’
Ang matandang lolo ang tinutukoy nito.
(Sundan bukas)
- Latest