ISANG Great Wall of China sculpture sa Guangzhou, China ang nakapagtala ng bagong world record! Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang city of Guangzhou ang bagong record holder ng titulong “Largest Balloon Sculpture of a Landmark”.
Ito ay matapos silang makabuo ng isang sculpture na replica ng Great Wall of China na may sukat na 127.95ft. Upang mabuo ang sculpture, gumamit ng 100,000 piraso ng lobo na kulay ginto. Sa pagtutulungan ng 20 balloon artists, inabot ng tatlong araw bago makumpleto ang buong sculpture.
Ang world record breaking event na ito ay inorganisa ng China Senior Health Association upang hikayatin ang mga senior citizens na palakasin nila ang kanilang immune system. Idinisplay ang sculpture sa harap ng Canton Tower upang sumimbolo sa ancient at modern landmark ng China.